#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na naibsan ang problema sa malnutrisyon ng kabataan noong 1990s hanggang kalagitnaan ng 2000s, ngunit bumagal ang usad ng pagbuti ng sitwasyon simula noong nagdaang dekada?
Nananatiling mataas ang bilang mga batang limang taong gulang pababa na stunted at/o underweight, sa kabila ng pagbaba nito simula noong 1990s. Noong 2018, isa sa kada tatlong batang Pilipino edad limang taong gulang pababa ay stunted, habang isa sa kada lima ay underweight.
Alamin ang kalagayan ng food security sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Is Food Supply Accessible, Affordable, and Stable? The State of Food Security in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/is-food-supply-accessible-affordable-and-stable-the-state-of-food-security-in-the-philippines