Nanawagan si Senador Sonny Angara sa pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagbibigay ng diskwento at pagbabawal ng diskriminasyon sa mga may kapansanan o mga person with disability (PWD).

“We have enough laws protecting PWDs, and all that needs to be done is to fully and strictly implement these laws so that we can eliminate the barriers that prevent them from being included and accepted in the society,” ani Angara.

Sa kabila ng mga batas, hindi umano ito napakikinabangan nang husto ng mga PWD.

Tinukoy ang utos ng Magna Carta for Persons with Disability na bigyan ang mga PWD ng 20 porsyentong diskwento sa pagbili ng mga gamot, sa medical at dental services, laboratory fee at professional fee ng mga doktor.

Pinabibigyan din sila ng diskwento sa hotel, restaurant, sine, teatro at pamasahe.

Gayunpaman, hindi umano ito lubos na naipatutupad dahil hindi alam ng maraming PWD ang mga karapatan nilang ito.

Sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies 2010, natukoy na tatlo sa 10 PWD sa mga malalayong lugar ang walang nalalaman sa Magna Carta kaya hindi napakikinabangan ang mga diskwento.

“These laws were passed to give full support to the improvement of the total well-being of PWDs and their integration into the mainstream society. Dapat ay gawing mas madali ang proseso sa pagkuha ng ID upang mas marami sa ating mga kababayang may kapansanan ang makinabang sa mga benepisyong ito,” diin ni Angara.

Sa magna carta rin, ipinagbabawal ang panglalait at diskriminasyon sa mga PWD at inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na magreserba ng 1 porsyento ng plantilla para sa mga ito.

Inoobliga rin ang konstruksyon sa mga institusyon, gusali at mga pampublikong lugar ng pasilidad para makakilos ang mga PWD gaya ng rampa na daanan ng wheelchair.

“These laws must be strictly implemented in order to ensure that PWDs have the same opportunity to access and benefit certain services in a similar way as others. We should treat PWDs in a way that respects their dignity and independence,” saad pa ng mambabatas.

Main Menu

Secondary Menu