Ipinapanukala ng isang partylist solon na baguhin ang panahon o schedule ng review kung dapat na bang itaas ang ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps).

Ayon kay AGRI Party-list Representative Wilbert Lee, maigi na gawin kada taon ang pag-aaral kung tataasan ang cash grant sa 4PS.

Sa kasalukuyan, kada anim na taon ang isinasagawang review ng PIDS (Philippine Institute for Development Studies).

Punto ng mambabatas kung annual ang review ay maibabatay ito sa kasalukuyang inflation rate, upang tunay na makatugon ang ibibigay na ayuda sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Maliban dito kung kailangan ngang itaas ang cash grant ay maaari aniyang ipasok na agad ito sa budget ng DSWD, oras na sumalang sa budget deliberation.



Main Menu

Secondary Menu