Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa mga kinakaharap na isyu ng power supply sa bansa.
Bagamat iniaatas ng Department of Energy (DOE) ang 25-percent reserve supply, matagal nang may kakulangan sa power supply reserves ang Pilipinas, kagaya nang single-digit supply margins na naiulat ng Independent Energy Market Operator of the Philippines nung March-April 2022.
Inirerekomenda na tutukang maigi ng pamahalaan ang mga proyekto upang agad na malaman at maibsan ang mga sanhi nito, gaya ng mga isyu sa approval ng power supply agreements.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Addressing the Current Electric Power Supply Challenges in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/policy-notes/addressing-the-current-electric-power-supply-challenges-in-the-philippines