Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa persepsyon ng mga Pilipino sa paggamit ng nuclear energy.
Ayon sa 2019 Social Weather Stations (SWS) survey*, 79 porsyento ng mga Pilipino ang positibo ang pagtingin sa rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant, samantalang 65 porsyento naman ang bukas sa pagtatayo ng panibagong nuclear power plant.
Bukod sa mahahalagang polisiyang sisigurado sa kaligtasan at tamang paggamit ng nuclear energy, mahalaga ring tutukan ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon ukol rito. Ito ay upang mas maintindihan ng publiko ang iba’t-ibang aspesto ng pag-develop ng nuclear energy at masagot ang kanilang mga tanong at agam-agam.
*SWS survey na kinomisyon ng Department of Energy
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: The Implications of Developing a Philippine Nuclear Energy Program